Thursday, February 24, 2011

The only one...


Talambuhay ni Joy Reyes Fandiño
Ako po si Joy Reyes Fandiño, ipinanganak noong setyembre 17, 1994. ang mga magulang ko po ay sina Remy Deangkinay Reyes ang aking ina na ginagawa ang lahat para sa aming ikabubuti at ang aking ama na si Antonio Sanchez Fandiño na nag sisikap ng mabuti upang maitaguyod ang aming pamilya. Nakatira ako sa Sta. Fiomena San Pabo City. Noong ako ay ipanganak labis ang galak ng aking mga maguang pati na rin ang mga tiyahin, tiyuhin, lolo at lola ko. Kaya siguro Joy ang naisip nilang iplangalan sa akin. Apat kaming magkakapatid lahat kami ay babae ang aking mga kapatid  ay sina yneth, Camille at Kyla ako ang panganay sa kanila naisip kong mahirap ang maging panganay na anak dahil kailangan mong disiplinahin ang mga nakababata mong kapatid ikaw rin ang laging nauutusan. Noong panahong malilit pa kami ng mga kapatid ko pati na rin mga pinsan ko palagi kaming naglalaro ng bahay bahayan, tagu-taguan at lutu-lutuan, syempre hindi maiiwasan ang mga alitan at hindi pag kakasundo tanda ko pa na sinasabihan ng 'hindi kabati' ang iba pag nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. kung aalalahanin nga naman ang mga panahong mga bata pa kami natatawa na lamang ako.
Sa paglipas ng panahon, marami ang nagbabago at sa pagtungtong ko sa paaralan  bilang kindergarten pa lamang, sobrang mahiyain at tahimik pa ako noonwala masyado kaibigan dahil hindi pa ako masyado marunong makipag kaibigan noon dahil nga sobrang mahiyain pa ako noon. Sa gayon hindi naman ito naging hadlang sa aking pag aaral. Hindi ako umiiyak kapag iniiwanan ako sa paaralan ng aking magulang o sino mang naghahatid sa akin. Nais ko talagang matutung mag aral ng mabuti dahil nais kong suklian ang mga bagay na ibinigay sa akin ng aking mga magulang at ng iba pa. paglipas ng bawat araw nagkakaroon na ako ng mga kaibigan, nang dumating ang panahon na mag gagraduation na nmin mga kindergarten, natuwa ang buong pamilya ko sa akin dahil sa kaunaunahang pagkakataon nag karoon ako ng award kahit ito ay most behave lang. Tuwing bakasyon naman lagi akong nasa bahay ng lola ko dahil doon ako nag babakasyon kasama ang mga pinsan ko, halos ang tiyo ko na ang nagpalaki sa akin. Ang biis ng panahon mag ge-grade one na agad ako sa paaraan ng Sta. Filomena Elementary School. Enrolment na ng mga grade one, kaso lang sa kasamaang palad ayaw akong tanggapin ng magiging guro ko sa grade one masyado pa raw akong bata. Napagkasunduan na lamang na maging seat-in na lamang ako o tinatawag ding saling pusa. Nagging maganda naman ang mga performance ko sa loob ng siid aralan, nag aaral kasi talaga akong mabuti noon. Saying lang kasi grade one ulit ako sa  pasukan ayaw kasi pumayag nung guro ko eh. Magaganda naman ang naging grades ko sa card kasama sana sa honor kaso wala din kasi seat in lang ako. Ang bilis talaga ng panahon sa wakas tunay na grade one na ako mas marami na akong nakilalang mga kaibigan at naging masaya naman. Halos ganun din naman ang naging pangyayari noong grade two at grade three ako Masaya. Pagdating ko ng grade four may nagging close friend ako sya ay si Kristel Cortez kaklase ko, at syempre madami din akong naging close friend. Magkalaban kami ni Kristel noon sa pagiging pang-apat sa klase namin pero alam naman naming sa oob ang iyon ng paaralan at friendy competition naman iyon kaya pag nasa labas na ng paaralan Masaya na kaming nagbibiruan. Noong grade four din akong nahilig maglaro ng chess. Nagging panlaban ako sa chess noong grade five at grade six ako oo nga lagi akong first pagdating sa district meet ngunit talo naman ako pag dating sa division meet lagi akong third eh dalawa ang naman ang kinukuha saying talaga. Noong malapit na ang graduation naming mga grade six super nalungkot ako dahil mag kakahiwa-hiwalay na kaming mga magkakaklase pero kailangang tanggapin dahil ito ay unang yugto pa lamang ng aking buhay. Naisip ko na marami pang magagandang biyay ang darating sa buhay ko.
            Sa pagtungtong ko sa high schoo sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Ganun pa rin sobrang matahimik at lagi akong nakangiti, napagkakamalan nga ako ng ibang suplada pero hindi naman talaga kasi tahamik lang ako at wala pa masyadong kakilala sa swerte napa bilang ako sa pinakamataas na section  ito ay ang science. Marami akong nakilala at naging kaibigan. First day pa lang super hirap agad ng mga pinag aaralan muntik na akong sumuko buti na lang nakaya ko naman sa tulong na rin ng mga kaibigan ko. Sa sobrang biis ng panahon nagging second year na agad ako buti na lang hindi ako natanggal sa pagiging science, noong second year may nag pakilala sa akin na section A, aro ang apelido nagging parte sya ng high school life ko. Nagging Masaya naman ako noong nakilala ko sya nagkaroon ng kiig moments at nagkaroon ako ng isa pang inspiration sa aking pag-aaral. Pag dating ko ng third year swerte pa rin dahil science pa rin section ko. Pagdating ng panahon ngayon fourth year na ako sa buhay ko sa ngayon masasabi kong ang high school life ang pinakamasayang nagging parte ng buhay ko dahil doon ko nakilala ang mga tunay kong mga kaibigan tulad ng mga kaklase ko at marami pang iba. Ang Scyber Pheonix ang pinakamahahalagang tao na nakasama ko sa buhay ko magkakasama kami sa hirap man o ginghawa at sa saya mab o lungkot. Mamimis ko talaga silang lahat sa collage.
            Sana sa hinaharap makamit ko ang aking mga pangarap at mga mithiin sa buhay upang makatulong ako sa aking mga magulang at sa iba pang tumutulong sa akin. At upang masukiian ko ang lahat ng paghihirap at sakripisyong inilaan nala para sa akin.   

No comments:

Post a Comment