Thursday, February 24, 2011

The only one...


Talambuhay ni Joy Reyes Fandiño
Ako po si Joy Reyes Fandiño, ipinanganak noong setyembre 17, 1994. ang mga magulang ko po ay sina Remy Deangkinay Reyes ang aking ina na ginagawa ang lahat para sa aming ikabubuti at ang aking ama na si Antonio Sanchez Fandiño na nag sisikap ng mabuti upang maitaguyod ang aming pamilya. Nakatira ako sa Sta. Fiomena San Pabo City. Noong ako ay ipanganak labis ang galak ng aking mga maguang pati na rin ang mga tiyahin, tiyuhin, lolo at lola ko. Kaya siguro Joy ang naisip nilang iplangalan sa akin. Apat kaming magkakapatid lahat kami ay babae ang aking mga kapatid  ay sina yneth, Camille at Kyla ako ang panganay sa kanila naisip kong mahirap ang maging panganay na anak dahil kailangan mong disiplinahin ang mga nakababata mong kapatid ikaw rin ang laging nauutusan. Noong panahong malilit pa kami ng mga kapatid ko pati na rin mga pinsan ko palagi kaming naglalaro ng bahay bahayan, tagu-taguan at lutu-lutuan, syempre hindi maiiwasan ang mga alitan at hindi pag kakasundo tanda ko pa na sinasabihan ng 'hindi kabati' ang iba pag nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. kung aalalahanin nga naman ang mga panahong mga bata pa kami natatawa na lamang ako.
Sa paglipas ng panahon, marami ang nagbabago at sa pagtungtong ko sa paaralan  bilang kindergarten pa lamang, sobrang mahiyain at tahimik pa ako noonwala masyado kaibigan dahil hindi pa ako masyado marunong makipag kaibigan noon dahil nga sobrang mahiyain pa ako noon. Sa gayon hindi naman ito naging hadlang sa aking pag aaral. Hindi ako umiiyak kapag iniiwanan ako sa paaralan ng aking magulang o sino mang naghahatid sa akin. Nais ko talagang matutung mag aral ng mabuti dahil nais kong suklian ang mga bagay na ibinigay sa akin ng aking mga magulang at ng iba pa. paglipas ng bawat araw nagkakaroon na ako ng mga kaibigan, nang dumating ang panahon na mag gagraduation na nmin mga kindergarten, natuwa ang buong pamilya ko sa akin dahil sa kaunaunahang pagkakataon nag karoon ako ng award kahit ito ay most behave lang. Tuwing bakasyon naman lagi akong nasa bahay ng lola ko dahil doon ako nag babakasyon kasama ang mga pinsan ko, halos ang tiyo ko na ang nagpalaki sa akin. Ang biis ng panahon mag ge-grade one na agad ako sa paaraan ng Sta. Filomena Elementary School. Enrolment na ng mga grade one, kaso lang sa kasamaang palad ayaw akong tanggapin ng magiging guro ko sa grade one masyado pa raw akong bata. Napagkasunduan na lamang na maging seat-in na lamang ako o tinatawag ding saling pusa. Nagging maganda naman ang mga performance ko sa loob ng siid aralan, nag aaral kasi talaga akong mabuti noon. Saying lang kasi grade one ulit ako sa  pasukan ayaw kasi pumayag nung guro ko eh. Magaganda naman ang naging grades ko sa card kasama sana sa honor kaso wala din kasi seat in lang ako. Ang bilis talaga ng panahon sa wakas tunay na grade one na ako mas marami na akong nakilalang mga kaibigan at naging masaya naman. Halos ganun din naman ang naging pangyayari noong grade two at grade three ako Masaya. Pagdating ko ng grade four may nagging close friend ako sya ay si Kristel Cortez kaklase ko, at syempre madami din akong naging close friend. Magkalaban kami ni Kristel noon sa pagiging pang-apat sa klase namin pero alam naman naming sa oob ang iyon ng paaralan at friendy competition naman iyon kaya pag nasa labas na ng paaralan Masaya na kaming nagbibiruan. Noong grade four din akong nahilig maglaro ng chess. Nagging panlaban ako sa chess noong grade five at grade six ako oo nga lagi akong first pagdating sa district meet ngunit talo naman ako pag dating sa division meet lagi akong third eh dalawa ang naman ang kinukuha saying talaga. Noong malapit na ang graduation naming mga grade six super nalungkot ako dahil mag kakahiwa-hiwalay na kaming mga magkakaklase pero kailangang tanggapin dahil ito ay unang yugto pa lamang ng aking buhay. Naisip ko na marami pang magagandang biyay ang darating sa buhay ko.
            Sa pagtungtong ko sa high schoo sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Ganun pa rin sobrang matahimik at lagi akong nakangiti, napagkakamalan nga ako ng ibang suplada pero hindi naman talaga kasi tahamik lang ako at wala pa masyadong kakilala sa swerte napa bilang ako sa pinakamataas na section  ito ay ang science. Marami akong nakilala at naging kaibigan. First day pa lang super hirap agad ng mga pinag aaralan muntik na akong sumuko buti na lang nakaya ko naman sa tulong na rin ng mga kaibigan ko. Sa sobrang biis ng panahon nagging second year na agad ako buti na lang hindi ako natanggal sa pagiging science, noong second year may nag pakilala sa akin na section A, aro ang apelido nagging parte sya ng high school life ko. Nagging Masaya naman ako noong nakilala ko sya nagkaroon ng kiig moments at nagkaroon ako ng isa pang inspiration sa aking pag-aaral. Pag dating ko ng third year swerte pa rin dahil science pa rin section ko. Pagdating ng panahon ngayon fourth year na ako sa buhay ko sa ngayon masasabi kong ang high school life ang pinakamasayang nagging parte ng buhay ko dahil doon ko nakilala ang mga tunay kong mga kaibigan tulad ng mga kaklase ko at marami pang iba. Ang Scyber Pheonix ang pinakamahahalagang tao na nakasama ko sa buhay ko magkakasama kami sa hirap man o ginghawa at sa saya mab o lungkot. Mamimis ko talaga silang lahat sa collage.
            Sana sa hinaharap makamit ko ang aking mga pangarap at mga mithiin sa buhay upang makatulong ako sa aking mga magulang at sa iba pang tumutulong sa akin. At upang masukiian ko ang lahat ng paghihirap at sakripisyong inilaan nala para sa akin.   

Monday, February 14, 2011

History of My Blog


This blog is created to bring happiness to each one of us, to make loneliness away from us. One of a good idea in making this blog is to become us positive thinking and to have positive outlook in life.  It can make our problem easily resolved because we can easily think a better idea in every problem that we face, just face it with a smile on your face, it can releaves worrying and pain that you feel. It’s the way to start our day good and nice. But also never forget our God because he is the only one who gaves us all the blessing we have, especially our life he is the only one that gave us life. My family inspire me also in doing this blog.

I Am A Responsibe Netisen


I am a responsible netizen
This article which you are about to read has been written in an attempt to help with the fight against the spyware threat. I have tried to answer some of the questions you might have on this subject and hopefully together we can beat this monster.Spyware is one of the fastest growing internet threats. According to the National Cyber Security Alliance, it infects more than 9 out of 10 of all PCs today. These unobtrusive, malicious programs are designed to silently bypass firewalls and anti virus software without the users knowledge. Once embedded in a computer, it can wreak havoc on the systems performance while gathering your personal information. Fortunately, unlike viruses and worms, spyware programs do not usually self replicate.
Another way that spyware can access your computer is by tricking you into manipulating the security features designed to prevent any unwanted installations. The Internet Explorer Web browser was designed not to allow websites to start any unwanted downloads. That is why the user has to initiate a download by clicking on a link. These links can prove deceptive. For example, a pop up modeled after a standard Windows dialog box, may appear on your screen. The message may ask you if you would like to optimize your internet access. It provides yes or no answer buttons, but, no matter which button you push, a download containing the spyware program will commence. Newer versions of Internet Explorer are now making this spyware pathway a little more difficult.
Finally, some spyware applications infect a system by attacking security holes in the Web browser or other software. When the user navigates a webpage controlled by a spyware author, the page contains code designed to attack the browser, and force the installation of the spyware program.
For me I will be responsible enough in using different kind of technology. I take care of them and not to abuse them.

Clash of The Titans


Pamagat: Clash of the Titans
Mga Tauhan:
Buod:
            Nagsimula ito sa storya na mga titans. Sila ay tinapos ng kanilang anak na sina Zues, Poseidon, at si Hades, nang makumbinse ni Hades si Zuesna gumawa ng ng halimaw, na tinawag na si Kraken. Si Zues ay naging tagapamahala ng langit, si Poseidon naman ay naging hari ng dagat at si Hades ang nagging taga pamahala ng ilalim ng mundo. Si Zues ay kilalang mabait sa mga tao at ang pagiging mabait nito ang nagging dahilan upang pagdudahan siya ng ibang Diyos.
            Makalipas ang mahabang panahon, isang mangingisda na ang pangalan ay Spyros ang nakakita ng isang lumulutang na kabaong sa dagat na may lamang isang sanggol at ang kanyang patay na ina. Inampon ni Spyros ang sanggol na lalaki na pinangalanan niyang si Perseus at pinalaki niyang parang tunay niyang anak. Makalipas ang ilang taon, lumaki na si Perseus, nakasakay sila sa isang maliit na bangka nang mapansin nala na mayroong mga sundalo galling sa Argos na sinisira ang statwa ni Zues, ito ay nagbabadya ng digmaan sa pagitan ng mga Diyos. Biglang nagpakita si Hades at pinatay ang mga sundalo. Matapos makamit na Hades ang tagumpay, sinira niya ang Bangka kung saan nakasakay si Persues at ang  kanyang kinikilalang pamilya.
            Si Persues ay natagpuan ng mga sundalo, na nagdala sa kanya sa Argos. Dinala siya sa haring Cepheus at sa reyna, na nag diriwang nila ng digmaan sa pagitan nila at ng mga Diyos. Si Cepheus  ay nagpahayag ng mayayabang na salita na hindi nireresperto ang mga Diyos at ang reyna ay kinumpara ang kanyang anak na babae sa mga Diyosa, na pabor sa kanilang anak.
            Galit na galit na si Zues, na nagbigay daan upang magkaroon si Hades ng oportunidad na pumunta sa Mount Olympus bago ang kanyang kapatid. Nagpahayag si Hades na kailangan na nilang labanan ang mga kumakalaban sa kanila at kumbinsihin si Zues na sirain na ang Argos. Nanakot si Hades na kapag hindi isinakkripisyo si Prinsesa Andromeda mapapahamak ang mga Diyos pag kalipas ng sampung araw, at ang argos ay sisirain ni Kraken.
            Kinausap ng Hari si Persues, dahil kakalabanin niya ang mga Diyos para sa Argos. Ipinagtapat ni Io kay Persues ang tunay niyang pagkatao. Para maparusahan si Haring Acricius para sa pakikidigma sa mga Diyos., ginaya ni Zues si Acrisius. Nahanap ni Hades si Acrisius at ipinagtapat ang kanyang plano na gagamitin niya si Kraken upang sirain ang Argos, pinalakas niya ang kanyang sarili upang kalabanin si Zues. Ginamit ni Hades ang kanyang kapangyarihan upang patayin si Persues. Sa mga kahoy nadiskubre ni Persues ang isang spade, at at nakita niya si Zues na nakasakay sa lumilipad na kabayo, ang pegasi. Hindi niya pinansin ang spada na tangi niyang magagamit at ang pegassus ng Diyos na kanyang magiging katulong sa mga labanan, pero hindi niya ito hiniling sa Diyos. Sumugod ang grupo ninda calibos at pinatay ang mga guardiya at tinangkang patayin si Persues, pero hindi ito nagtagumpay matapos patayin siya ni Draco.
            Ang mga bayani ay bumisita sa Stygian witches at sinabi na ang mga solusyon ay matatagpuan sa ibabaw ng ulo ni Gordon Medusa, na makakapatay kay Kraken na maaari niyang gawing bato. Nang paalalahanan ni Persue ang kanyang grupo na maaaring mamatay sa proseso sa lahat ng Djinn maliban kay Suleiman, na iniwan sila pati na rin sina Ozal at kucuk iniwan din sila na sinabing hindi nila kayang kalabanin si Hades. Binisita ni Persues si Zues na nag alok sa kanya ng asylum sa Mount Olympus pero tinanggihan niya ito. Binigyan siya ni Zues ng gintong kalasag para malampasan si Hades.
            Sa gitna ng labanan kay Medusa, tinira niya si Solon at ito ay namatay. Napatay din ni Medusa sina Ixas at Eusebios ginawa niya itong bato. Kinalaban ito ni Persues, tinangka ni Suleiman na patayin si Medusa pero naputol lamang niya ang mga ahas nito sa ulo. Nahuli ni Medusa si Suleiman sa pamamagitan ng pag pupulupot ng kanyang mga ahas sa katawan nito at tinangkang gawin itong bato. Hindi makawala si Suleiman kay Medusa at hindi niya ito magulo. Pinaparami ni Medusa ang kanyang katawan sa pamamagitan ng kanyang mahika. Sinakkripisyo ni Draco ang kanyang sarili upang guluhin si Medusa, para mapatay ito ni Persues. Nakita ni Persues si Calibo matapos ang maikling labanan na patay ni Persues si Calibo. Hangang sa kanyang huling hininga sumang ayon siya na hindi siya katulad ng mga Diyos. At sa wakas sumakay siya sa Pegasus pabalik sa Argos dala dala ang ulo ni Medusa.
            Sa Argos, ang kultura na Hades ay ang pag sasakripisyo, sinakripusyo niya si Andromeda kay Kraken. Ng umalis si Kraken, sinabi ni Hades kay Zues na ang pag sira sa Argos ay makapagbibigay sa kanya ng sapat na kapangyarihan para matalo ang ibang mga Olympians, sinabi naman ni Zues na nananatila paring buhay si Persues sa Argos. Nagpadala pa rin ng babala si Hades upang patayin si Persues. Ganamit ni Persues ang lo ni Medusa upang talunin si Kraken ganawa niya itong bato at iniligtas niya si Andromeda sa kamay ni Kraken. Binalaan ni Zues sa Persues na baling araw mag babalik si Hades upang maghiganta sa kanya at ang pagiging mabait sa mga tao ay nakakatakot. Napag disisyonan ni Persues na manatili sa mundo ng mga tao, at pinaalis na si Pegasus.

Futuristic

Ang Magkakaibigan
            Sa paaralang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School o mas kilala bilang Dizon High ay doon nag aaral ang apat na mag  kakaibigan, sila ay sina Jenny, Jelay, Gina at Mhay, bawat isa sa kanila ay may iba’t ibang katangian. Si Jenny isang maganda, tahimik, masayahin at tanging pag aaral lamang ang inuuna sa lahat. Si Jelay na sobrang seryoso sa pag aaral na halos wala ng panahon upang mag ayos ng kanyang sarili. Si Gina na madaldal, maraming nagiging crush pero hanggang crush lang naman, nag aaral din naman syang mabuti at si Mhay na medyo may pag ka kikay maaayos sa lahat ng bagay at may nagugustuhan na. Palagi silang magkakasama at nag kukwentuhan ng pangyayari sa kani-kanilang buhay Masaya man ito o malungkot, nag tutulungan sila sa kanilang mga problema binibigyan nila ng magagandang payo ang bawat isa, dahil para sa kanila ang pagiging magkaibigan ay hindi lamang nasasabi kapag mayroon lamang kailangan sa isa’t isa, kundi ito ay pag dadamayan sa lahat ng oras masaya man ito o malungkot. Isang araw maagang nagsipasukan ang magkakaibigan sa eskwelahan, nag batian sila ng magandang umaga sa bawat isa pati na rin sa kanilang ibang mga kaklase, nagging maganda ang simula ng kanilang araw. Dumating na ang kanilang guro at ang bawat isa ay aktibong nakikilahok sa talakayan. Pag dating ng recess time lumabas na silang lahat ng silid aralan upang mag miryenda na, nag punta na sila sa kantina at bumili ng kanilang makakain. Nakita ni Mhay ang kanyang nagugustuhan na si Nick, si Nick ay isang mabait gwapo, medyo tahimik at tapat na tao, nang Makita ito ni Mhay sobrang kiniling ito at sinabayan pa ng pag tili o pag sigaw ni Gina nadala raw siya ng pag kakilig kaya sya napasigaw. Nagtawanan silang lahat. Mas kinilig pa ang lahat ng lumapit si Nick sa kanila at nakipag kilala sa kanila. Nagging mabuti silang magkakaibagan at mas naging masaya pa sila,lalong napalapit ang loob ni Mhay kay Nick dahil mas nakilala pa niya ito. Tapos na ang recess ang lahat ay nagsibalikan na sa kani kanilang silid aralan, nag paalam na sila kay Nick dahil oras na ulit ng pag aaral at may klase na sila. Matapos ang oras ng klase sama-sama silang nag punta sa silid aklatan upang doon mag hanap ng mga sagot sa kanilang mga takdang aralin nag sama rin sila ng iba pa nilang mga kaibigan at kaklase upang makahanap ng mga sagot sa kanilang susunod na aralin nila. Mas naging close sila kay Nick dahil palagi na nila itong nakakasama. Napag usapan nilang mag samba sa linggo at sumang ayon naman lahat dito. Niloloko ng tatlo magkakaibigan ang kanilang kaibigan na si Mhay kay Nick dahil nga alam nila na may gusto si Mhay kay Nick, kinilig naman si Mhay. Pero nung mag kausap si nick at mhay ipinag tapat na ni Mhay ang nararamdaman niya para kay Nick, ang hindi alam ni Mhay iba ang nagugustuhan ni Nick hindi agad niya ito nahalata dahil iba ang inaakala niya, inakala niya na may nararamdaman din sa kanya si Nick, labis na ikinasama ng loob ni Mhay ang isinagot sa kanya ni Nick, sinabi nito na may nagugustuhan din sya pero ibang babae ang matindi pa ditto ang kaibigan niyang si Jenny ang nagugustuhan nito. Naging tapat si Nick sa kanyang mga isinagot nagulat si Mhay at hindi na niya kina-usap si Nick. Lubos na nasaktan si Mhay sa nalaman niya dahil naisip nya na sa bakit sa dinami dami ng babae isa pa sa kanyang matatalik na kaibigan ang nagustuhan nito. Wala siyang pinagsabihan ng tungkol sa napag usapan nila ni nick, itinago niya ito maging sa kanyang matatalik na kaibigan. Kinabukasan sa eskwelahan medyo na huli si Mhay sa klase buti na lang wala pa ang kanilang guro dahil may inaayos pa, nanibago ang lahat sa kanya nahing tahimik at hindi niya pinapansin ang kanyang mga matatalik na kaibigan lalo na si Jenny. Pinilit ng lahat na kausapin si Mhay ngunit ayaw talaga nitong makipig usap kahit kanino. Nag alala sa kanya ng lubos sina Jenny, Gina at Jelay dahil hindi nila malaman talaga kung ano ang problema ng kanilang kaibigan. Oras na naman ng miryenda nagkita silang lahat sa kantina subalit lumalayo si Mhay sa kanila at para bang paluha na ng lumapit si Nick kay Jenny, hindi naman alam ni Jenny na may pag tingin sa kanya si Nick. Nagulat na lang ang mag kakaibigan ng biglang mag tapat si Nick kay Jenny, kahit na alam ni Jenny sa kanyang sarili na may nararamdaman din sya para kay Nick hindi niya sinunod ang kanyang nararamdaman dahil mas inisip niya ang kanyang kaibigan na si Mhay. Sinabi niya kay Nick na hindi sila pwede at sinabi din niya na may nararamdaman si Mhay para sa kanya, sabi na lang ni Nick na kaibigan lang ang tingin niya kay Mhay. Iniwasan na lang ni Jenny si Nick kahit masakit sa kanya dahil mahalaga sa kanya ang kanyang mga kaibigan. Ayaw pa rin silang kausapin ni Mhay, dahil nga sa sobrang nasaktan si Mhay lagi niya itong iniisip hanggang siya ay nag kasakit, dinalaw siya ng kanyang mga kaibigan pati na rin si Nick ay dumalaw rin upang mangamusta, gumawa si Jenny ng paraan upang bimalik sa dati si Mhay pinakiusapan niya si Nick na si Mhay na lang ang kanyang ligawan ginawa naman ito ni Nick alang-alang kay Jenny, pag kalipas ng dalawang araw gumaling na si Mhay at naging masigla na ulit siya Masaya ang lahat sa pag babalik ni Mhay. Ngunit naawa na si Mhay kay Nick at Jenny kaya naman napag isip-isip niya na mas mabuti na palayain na lang niya si Nick at nagkaintindihan naman sila. Kinausap ni Mhay sina Jenny, Jelay at Gina humingi siya ng tawad sa mga ito dahil sa nagawa niyang pagkakamali pinatawad naman agad nila si Mhay dahil naunawaan naman nila ang nararamdaman nito. Itinuloy ni Nick ang panliligaw niya kay Jenny nagkaroon naman siya ng pag asa dito. Hindi na matitinag ang pag kakaibigan ng apat na ito naging mas matatag pa ang kanilang pagkakaibigan. Patuloy silang namuhay ng Masaya palagi silang nagtutulungan at inuunawa ang isat isa.